Grade 9 student na isinama ang anak sa paaralan para hindi makaliban sa klase, tinulungan ng mga guro

Kapag gusto, may paraan. Tama?

Ibinahagi ng Leon News LIVE ang kuwento ng Grade 9 student na binitbit ang sanggol nito sa paaralan para hindi nito ma-miss ang klase.

Hinangaan ng mga netizens ang determinasyon at dedikasyon ng isang Grade 9 student ng Progreso Village National High School sa Barangay Vista Alegre, Bacolod City sapagkat dinala nito ang kanyang sanggol na anak sa paaralang pinapasukan niya upang hindi makaliban sa klase.

Ayon sa post ng guro na si Ma’am Tricia Anne Ureta Manlanat, una pa lang ay alam na niya ang sitwasyon ng estudyante kaya’t hindi siya nag-atubiling papasukin ito.

Aniya, “Sa facebook ko lang ni gakakit.an. I have a student nga may baby na at an early age (who are we to judge). May class sila 10:30. 9:30 palang nagkadto ang guard sa’mon telling us nga may grade 9 student kuno nga maskwela pero may dala bata. Baby pagid kuno. I knew dayon sin-o na nga student. Kay sang nag activity kami nga “Draw what you love” Baby nya ang gindrawing niya.”

Dagdag pa niya, hindi sila pwede mag-refuse ng estudyante dahil lang nandoon ‘yung baby nito.

“Nagduwa2 iban ko na co-teacher nga pasudlon kay basi budlay. But hambal ko, “we can’t refuse students to attend class because lang dira.” kag ang hambal niya “hindi ko bi ma’am gusto mag-absent,” saad ng guro.

Dahil lima silang guro na bakante sa mga oras na iyon sila muna ang nagbantay sa baby para makapag-pokus ang ina sa klase.

 

“Lima man kami na female teachers sa room so pwede gid namon bulus-bulusan bantay. But luckily mapa-reading lang kami today so ginpa-una nalang siya namon para kapuli na siya. Wala kuno may mabantay kay naglakat ang ugangan niya.” paliwanag ni Teacher Tricia.

“Dira mo gid makita nga dedicated gid ang student miskan amo na situation nya. Kag makita mo gid nga may will siya nga i-continue studies nya for her and her child’s future.”

Sabi ni Teacher Tricia, makikita mo na may gana siyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral para sa kinabukasan niya at ng kanyang anak.

Hindi natin maipagkakait ang pag-aaral kahit kanino, bagkus ito’y ating suportahan at gabayan upang maabot niya ang kanyang pangarap. Salute sa mga Guro!