‘Into the Blue’: 1st Filipina Miss Global winner na si Shane Tormes, cover girl sa Glamour Magazine, Bulgaria

Ang unang Pinay na nanalo bilang Miss Global, si Shane Quintana Tormes, ay cover girl na sa Glamour Bulgaria.

Nag-post ang modelo at titleholder sa kanyang Instagram account kung saan siya ang nasa cover photo ng isang edisyon ng Glamour Magazine.

Ang cover ng magazine ay nagpapakita ng isang mabangis na Shane sa isang maningning at habi-inspired na magenta na fashion number. Inilabas ito ng Glamour bilang August issue.

Aniya, “I am your cover girl for GLAMOUR Magazine August issue! Never thought that I would have this opportunity to grace a magazine cover. So thrilled to be sharing this experience with @glamourbulgaria and @missglobalofficial Just WOW. This is so surreal!”

Dagdag pa ng Miss Global 2022, “Endless gratitude for the opportunities and people who made this all possible. With this edition I am happy to share my humble beginnings and journey towards Miss Global. BIG LOVE AND THANKS to @missglobalphil my friends and team behind this creative shoot!”

Para sa kanya ang magazine cover ay ‘another goal unlocked’ at itinuturing itong isang blessing sa kanyang karanasan bilang Miss Global.

Binati ng Miss Global Organizaon ang Filipina beauty queen sa ika-31 kaarawan nito noong Setyembre 4 at inalala kung paano ipinakilala ang bagong Pink Lotus Crown noong nakaraang taon na ngayon ay nasa Pilipinas na. Sa isang video ay makikita ang kanilang pagkanta ng pagbati sa kanya.

Si Shane ang kauna-unahang Pinay na nanalo ng titulong Miss Global mula nang itinatag ito noong 2011. Nakuha niya ang korona sa kabila ng mga nangyaring pagsubok noong Hunyo sa Bali, Indonesia.

Napabilang siya sa lupon ng mga beauty queen na naibida na sa mga international magazine covers tulad ng apat na bigating pageant titleholders na sina Pia Wurtzbach, Kylie Verzosa, Megan Young, at Angelia Ong sa cover ng Harper’s Bazaar Vietnam, Catriona Gray sa Harper’s Bazaar International, at Mela Habijan sa TransBeauty Magazine sa London.

Tunay na kagandahang maipagmamalaki.