Sanya sa first encounter niya kay Dingdong: 5 years old ako, kinamayan niya ako kahit malagkit kamay ko

sanya dingdong

Bago pa man naging celebrity, nagkaroon na raw ng encounter ang Kapuso actress na si Sanya Lopez sa isa sa mga pinakamalalaking aktor ng GMA Network na si Dingdong Dantes.

Kuwento ni Sanya, nasa limang taong gulang pa lamang siya nang makilala ang Kapuso Primetime King na naging partner niya noon sa seryeng Cain at Abel.

sanya

Sa video na ibinahagi ng Sparkle GMA Artist Center, itinanong kay Sanya ang kanyang mga first, kabilang na ang unang beses na na-starstruck siya sa isang artista.

“Kuya Dingdong Dantes!” pag-amin ng aktres. Sa katunayan, naibahagi niya na rin daw ito noon kay Dingdong nang minsang magkatrabaho sila.

“Ikinuwento ko ‘yon sa kanya before. Sa mga hindi nakakaalam naging partner ko po si Mr. Dingdong Dantes sa Cain at Abel. So, naikuwento ko sa kanya noon, mga five years old pa lang ako tapos grabe kinamayan niya ako kahit malagkit ‘yong kamay ko,” natatawang pag-aalaala ni Sanya.

sanya dingdong

Ibinahagi rin ng Kapuso star na kahit noong bata pa lamang siya ay natitiyak na niya sa sarili na gusto talaga niyang mag-artista. Sa katunayan, ang kanyang lola raw ang isa sa mga naging unang audience niya.

“Bata pa lang ako, pangarap ko na iyan. Alam n’yo ‘yong table na bilog tapos gawa siya sa, basta luma ‘yong kahoy, sa lola ko sa probinsya, ganoon. Aakyat ako ro’n tapos kakantahan ko ‘yong lola ko,” wika ng aktres na pinakatumatak bilang bagong Sang’gre Danaya sa 2016 requel (re-telling + sequel) ng hit television series noong early 2000s na Encantadia.

sanya dingdong

Samantala, inamin din ni Sanya kung sino ang una niyang naging celebrity crush. Pagbabalik-tanaw niya, bata pa lamang siya ay napukaw na ng Kapamilya actor na si Sam Milby ang atensyon niya.

“Celebrity crush, uhm, sa showbiz, talagang bata pa lang ako, si Sam Milby. As in, naging crush ko si Sam Milby,” aniya.