Balik-tanaw sa ‘Royco’ Chicken Noodle Soup na minahal ng marami sa atin noon

Isang post sa Nostalgia Philippines ang nagpabalik sa aalala natin ng mga panahong ang quick chow natin ay ang masarap at mainit na “Royco” noodle soup.

Sabi nga ni Senaur Leoj sa kanyang ibinahaging post, “Naalala nyo pa ba eto Ka-Nostalgia?? Ang pagkain na masarap habang mainit sa
panahon ng tag ulan. Bago ang Lucky Me Noodles sumikat… Meron pa na mas naunang “ROYCO”. Isa ka din ba sa mga nakatikim at naging paborito eto, Ka-Nostalgia.” 

S’yempre, para sa mga mahigit limang dekada na ang edad, isa na itong alamat.  🙂  Bumuhos ang mahigit 140 komento sa Royco post na maraming alaala ang dala.

“D best noodle soup.”

“Pag may lagnat pinagro Royco para mainitan ang sikmura at pawisan.”

“The best chicken noodle soup nung kabataan natin. Meron pa nga alphabet at numbers ang korte ng noodles ng ROYCO. “

“Noon pag masama pakiramdam ko..yan ang pinapakain sa akin ng nanay ko para pagpawisan.”

Kapansin-pansin na kadalasang kakabit ng pagkakasakit ang pagpapakain ng Royco chicken noodle soup. Sinasabi kasi na mainam ang sabaw ng manok para mabilis gumaling ang may sakit. Idagdag pa na medyo may kamahalan na ring maituturing ang Royco noodles noon. Mayroon ding mga nakaalala na may alphabet soup din at arroz caldo ang Royco brand.

“Yes.  Yung noodles na kinain ng mga anak ko. And they love that alphabet shape of the noodles.”

“Minsan gusto kong magkasakit nung bata ako kasi may Royco chicken soup ako lagi at Royal tru orange ung may pulp bits.”

“Oo naman , kasi noong bata pa ako at may masakit sa akin daing ako agad..Aray ku, aray ku..dinib ng Nanay ko , Royco , Royco kaya handa agad sya ng Royco.”

May nakapagsabi na mayroon pa raw nabibiling ganito ngayon ngunit sa bansang Indonesia.

“Royco nasa Indonesia na po gawa ng Unilever.”

Sa isa pang Facebook post ng Food Technologist Support ay naibahagi na ang “Royco noodle soup was the soup to be had before Maggi and Lucky Me started to dominate the instant noodle industry in the 80s. Our moms would rave about this brand but it never did came back. The chicken noodle soup came in alufoil packets similar to the size of Knorr instant soups.”

Sa Isamunangpatalastas Blogspot naman ay may nakatutuwang trivia sa nakaraan ng Royco.

Is That Who I Think He Is?: ALFIE ANIDO, for ROYCO

Yes, si Alfie Anido daw iyun!

Ayon sa artikulo ng Isamunangpatalastas Blogspot, ang cute at mestiso features ng bata pa noong si Anido ay kapansin-pansin na kaya’t siya ay naging modelo sa edad na lima sa omnibus print ad ng Royco Noodle Soup  noong 1964 sa Chicken at Beef flavor variants. Naging TV commercial model na rin naman si Anido mula noon hanggang sa naging bahagi ng showbiz.

Ang Continental Royco Soups ay nasa ilalim ng produksyon ng Philippine Refining Company kung saan ang ama ni Anido ay isang young executive. Ang nangungunang instant soup brand noong 1960s ay naka-foil pouches pa.

Image credits to Isamunangpatalastas Blogspot