Certified plantito na si Piolo Pascual sa pagiging unmarried: ‘Anong magagawa natin mas mahal ko ‘yong mga halaman?’

plantito piolo

Plantito o plantita ka rin ba? Kabilang ang Kapamilya Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual sa napakaraming Pilipinong nahilig sa paghahalaman dahil sa pandemya.

Kaya naman nang matanong kung ano ang plano niya sakaling maunahan pa ng 25-year-old son niya na si Iñigo Pascual na mag-asawa at magkapamilya, hindi na nakagugulat ang naging sagot niya.

“Mag-halaman pa!” pagbirong sagot  ng aktor na nakapanayam ng PUSH sa mediacon na idinaos ng Beautederm kamakailan.

plantito piolo

Pero seryosong paliwanag ni Piolo, “Hindi, ahh…hindi naman natin hinahanap ‘yan. ‘Pag dumating, diyan na natin haharapin. Pero ngayon talaga po, okey naman ako, e. Nasanay na rin siguro akong mag-isa. Hindi ko na…hindi ko siya…I mean, it’s not something that I am excited to have, or something that I would want to have. For now, I just would like to focus on myself, and you know, what I can do. Sanay na kasi talaga akong mag-isa, e.”

Sa obserbasyon naman daw ni Piolo sa anak, mukha naman daw kagaya niya ito sa pagiging tutok sa karera at sinusulit ang bawat oras na nasa limelight.

“I guess my son is the same as me in terms of being career-driven and, at this point in his life, I know that he really wants to focus on this while he still has the chance,” wika niya.

plantito piolo

Ngunit kung mauna man daw ito sa larangan ng pag-aasawa, susuportahan lamang daw ni Piolo ang anak, “He has this opportunity to grow in this business. But should there be the time na sabihin niya sa akin na papakasal siya, you know, I would be happy for him. Of course, I’ll be there to support him through and through.”

Samantala, nang tanungin kung naiinggit ba siya na karamihan sa mga kasabayan niya ay may asawa na, ang tugon ng aktor, “Siyempre naman, tao lang tayo. Pero anong magagawa natin? Mas mahal ko ‘yong mga halaman. Hindi…joke lang! Hindi ‘yan hinahanap, dumarating na lang ‘yan. I believe in destiny, in something that happens out of fate and divine intervention. I believe in magic, I believe in something electrifying. I will know it when the person comes and gives me that feeling.”

plantito piolo