Season of Creation: Mga estudyante, mga guro masasayang kumasa sa challenge na #NoBagDay

No bag? No problem!

Viral ngayon ang mga senior high school students mula sa Saint Joseph Academy sa bayan ng Sariaya, Quezon dahil sa kanilang event na ‘#NoBagDay’ noong Sept 12.  Bahagi ang challenge na ito ng kanilang pagdiriwang ng “Season of Creation” mula September 1 hanggang October 4.

Dahil ‘no bag day’, kailangang magdala ng mga mag-aaral ng ‘unusual bags’ o kakaibang sisidlan na maaaring paglagyan ng kanilang mga gamit sa eskwelahan.

Kinaaliwan naman ng mga netizens ang ginawang event ng naturang paaralan kung saan ang mga estudyante at mga guro ay gumamit ng iba-ibang sisidlan ng kanilang mga school things sa halip na ang regular nilang bag.

Sa mga larawan ay makikitang bitbit nila ang mga timba, kaldero, icebox, at iba pang gamit sa bahay bilang sisidlan ng mga gamit. Mayroon pang nag-effort talaga na gumawa ng creative containers.

“This week started with something new and interesting as Josephinians and Mission Partners participated in the challenge that showcased their creativity and uniqueness. As a part of the season of creation celebration, Josephinians brought unusual bags to carry their books, portfolios, and food,” caption sa post ng ng Supreme Student Government ng paaralan.

Dagdag pa nila, “The Season of Creation’s main purpose is for humankind to celebrate God’s wonderful gift of creation which is all around us, with the hope that as we celebrate, we will also be reminded to take good care of it, of Mother Earth, our world which is our only home.”

Samu’t saring msasayang komento ang naibigay ng mga netizens;

“I love this challenge….ang tataba ng mga utak….very resourceful…..dati nga net bag lang….it reminds me of my childhood….very nice….I love it….”

“Galing Po ng mga estudyante, lumabas Ang pagiging creative nila, SALUTE to those students who participated the NO BAG, NO PROBLEM at pati kay Ma’am kasali dn siya.”

“Dito mo mkikita kung anong hilig ng magulang nila charrr meron manginginom meron mananabong at merong traveler good job guys sarap mag aral ulet kakamis.”

Sa iba pang post ng SG ay makikitang hindi nagtapos sa Part 1 ang challenge. Yes, nagpapatuloy pa ito kaya’t ang hamon sa creativity ay mas lumalawak pa.