Para kay Bb. Pilipinas International Nicole Borromeo, ‘Everybody is both smart and beautiful in their own ways’

Marahil, para sa maraming tagasubaybay ng mga pageant, isa sa mga dahilan kung bakit nasungkit ni Binibining Pilipinas International Nicole Borromeo ang kanyang titulo ay ang kanyang walang paligoy-ligoy na pagsagot sa mga katanungan;  maiksi, on-point at malinaw na naipapahayag.

At para sa mahinahon na Cebuana, mayroon lamang siyang nais iparating na mensahe na sana’y hindi na itanong sa kahit sinong babae.

“I remember there was this person who wanted to ask, ‘Would you rather be smart, or beautiful?’ And I just was not a fan of that question,” pagbabahagi niya sa isang panayam ng Inquirer na ginanap umano sa Owner’s Circle sa Araneta City, Quezon City matapos siyang makoronahan noong Hulyo.

Para kay Borromeo, ang ganoong tanong ay tila naglalagay sa mga tao sa mga ‘kahon’ at hindi dapat pinapipili kung mas nanaisin nitong maging maganda o  maging matalino. Idinagdag din nito na “everybody is both smart and beautiful in their own ways.”

Para sa estudyante ng kursong Interior Design, “beauty is subjective, being smart is also subjective.”

Samantala, bagama’t siya ang hinirang na Bb. Pilipinas International 2022, sa susunod na taon pa siya sasabak sa international pageants.

Ang 60th Miss International pageant kung saan lalaban ang nauna sa kanya na si Hannah Arnold ay sa Disyembe pa lamang gaganapin sa bansang Japan. Nakatakda sana iyong maganap noong 2020 ngunit kinailangan ipagpaliban dahil sa kinaharap ng mundo na krisis sa kalusugan at ang mga nag-organisa sa Tokyo ay nagdesisyon na ring huwag magdaos ng kompetisyon noong 2020.

Gayunman, ang mga 2022 batchmates ni Borromeo ay naghahanda na para sa kani-kanilang lalahukang kompetisyon na magaganap na sa paparating na Oktubre.

Sina Bb. Pilipinas Intercontinental Gabrielle Basiano at Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez ay umaasam ng back-to-back na pagkapanalo para sa Pilipinas sa kani-kanilang laban.

Si Basiano ay susubok na mapasakanya ang Miss Intercontinental crown ni Cinderella Faye Obeñita sa Egypt sa Oktubre 14 (Okt. 15 sa Maynila) habang si Fernandez naman ay tatangkaing maiuwi ang Miss Globe crown na kasalukuyang nakaputong kay Maureen Montagne. Sa Albania naman sa Oktubre 15 (Okt. 16 sa Manila) nakatakdang ganapin ang kompetisyon.

Si Bb. Pilipinas Grand International Roberta Tamondong, samantala, ay umaasang makamit ang unang gintong korona sa ika-10 edisyon ng Miss Grand International pageant na sa Indonesia naman magaganap sa ika-25 ng Oktubre.

Anuman ang kauuwian, may isang bagay na tiyak na tiyak kay Borromeo… ang suporta ng kanyang minamahal na pamilya. ““With or without a crown, I’m proud of you.”

My family was never type to force things with me and I can’t thank them enough for giving me the freedom to follow my heart. This goes to the support back home. My backbone. 💗”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nicole Borromeo (@nicole.borromeo)