Tara na! ‘Mga Kwentong Epik: Ang Alamat ni Maria Makiling’ mapapanood na sa Netflix

Let’s go!

“Grabeng pagmamahal ito mga ka-Epik!! We did it! Nagawa natin!! Nasa trending now na tayo sa Netflix!” Ito ang masayang post ng Epik Studios sa kanilang Facebook page.

 

“Mahal namin kayong lahat! Salamat sa mga sumuporta at nag-share ng Maria Makiling! Para sa ating lahat po ito!  #MgaKwentongEpikSaNetflix,” dagdag pa nila kaugnay sa matagumpay na proyekto na kasalukuyan nang napapanood sa platform na Netflix.

Sa pamamagitan ng “Mga Kwentong Epik: Ang Alamat ni Maria Makiling” ay muling nabigyang-buhay ang ating Filipino mythology. Base ito sa comic book series na may ganoon ding pamagat at nilikha rin ng Epik Studios.

Ang anim na episode ng Mga Kwentong Epik: Ang Alamat ni Maria Makiling ay napapanood na nga at nag-trending pa. Bawat episode ay umaabot lamang ng 20-25 minuto.

Sa ilalim ng kahusayan ng Epik Studios, ang serye ay nakatuon sa isang babae na nagngangalang Ria na ang katauhan ay nakakabit sa maalamat na si Maria Makiling.

Ang mahusay na aktor at tagapagsalaysay na si Bodjie Pascua ang naghahatid ng mga nilalaman ng kuwento na pinatingkad ng mga animated scenes na hango sa comic books ng pik Studios rin.. Ang tinig naman ni Ryza Cenon ang nagbibigay-buhay sa karakte ni Maria Makiling.

Ang iba pang sikat at kilalang kaakter ng ating maalamat na kuwentong bayan tulad ni Pedro Penduko at ang Nuno ay nakapaloob din sa serye.

Samantala, narito ang isang review from geekypinoy na ibinahagi ng Epik Studios. “Thank you geekypinoy sa suporta! Kinilig naman kami rito! That’s the goal sa umpisa pa lang. Ang maipamahagi ang ating mga kwento sa mas maraming tao dahil sa sobrang yaman at ganda ng ating mga kwento. “