
Walang duda; tunay na multi-talented at malakas ang loob ni Zia – ang anim na taong gulang na panganay na anak ng Kapuso Primetime King at Queen couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Kamakailan ay ipinakita ni Maria Letizia “Zia” Dantes ang kanyang tapang sa pamamagitan ng pagsakay sa isang kabayo na nagngangalang Floris sa Leviste Equestrian Park sa Lipa, Batangas.
Makikita sa Instagram posts nina Marian at Dingdong noong Sept. 13 ang mga litrato at video ni Zia habang ito’y nakasakay sa isang kabayo.
Nag-aaral si Zia ng pangangabayo sa tulong ng isang tagapagsanay. Siya ay nakangiti at kalmadong nakunan ng mga larawan at video habang inilalakad si Floris. Walang bahid ng takot o pag-aalinlangan!
Ibinida nina Marian at Dingdong ang kanilang kasiyahan at pagmamalaki sa kanilang panganay. Nagpasalamat pa si Dingdong sa may-ari ng kabayong si Floris na si Maritess Gozon Viterbo.
“My eldest is always full of energy— sometimes even hyper— and there are only a few reasons for her to keep calm. Riding Floris is one of them,” saad ni Dingdong sa kanyang IG post.
Dagdag pa niya, “Thank you, Maritess, for introducing her to your horse. There’s definitely that undeniable chemistry between them— just like when i met her mother for the first time.”
Bagama’t kitang-kita ang composure at tapang ni Zia, inamin ng mommy niyang si Marian na kinabahan siya para sa anak. Ngunit ang mas mahalaga umano ay nakita niyang nasiyahan ang kanyang anak sa aktibidad na ito.
Sa panayam ng Chika Minute, sinabi ng Kapuso actress na sobrang nag-enjoy si Zia.
“At sabi nga nung owner nung kabayo na parang, ‘may koneksyon si Zia at saka ‘yung horse’ talaga, which is a good sign na alam mo ‘yun nag-e-enjoy sila together.”
Panoorin:
View this post on Instagram
Si Zia na ate ni Ziggy ay may naidagdag na naman sa kanyang mga maipagmamalaking talento kabilang na ang kahusayan sa pag-awit, pagsayaw, pagguhit at pagtugtog ng piano, gitara at ukulele.
Samantala, matatandaan na noong 2015 isang Vietnamese website ang nagtala sa kanya bilang kabilang sa mga ‘most beautiful kids’ ng mga Asian celebrity. So deserving naman!
You must be logged in to post a comment.