‘Maid in Malacañang’ tumabo na ng $1M sa Middle East, ayon kay Direk Darryl Yap

Ipinakita ng direktor na si Darryl Yap ang total gross ng pelikula niyang ‘Maid in Malacañang’ sa anim na bansa sa Middle East. $1M umano ang total gross ng Maid in Malacañang sa UAE, KSA, Kuwait, Bahrain, Oman, at Qatar.

“A REAL PREMIERE, A REAL CINEMA RUN, NOT A BLOCK SCREENING OR KATSIPAN,” saad ni Darryl sa kanyang Facebook post nitong Biyernes, Setyembre 9.

Umani ito ng maraming komento mula sa ilang mga Filipino na nakapanood ng Maid in Malacañang sa iba’t-ibang bansa sa Middle East.

“Wow! Congratulations Direk. Worth it naman talaga.. kahit mag isa lang nanood. May mga katabi naman ako may mga kasamang sinipon dahil sa luha #AbuDhabiUAE” (Nagsend pa ng selfie habang nanonood.)

“1st filipino movie na pinanuod ko dto sa riyadh (emojis) congrats sa lahat direk.”

Mababasa rin sa FB page ng direktor na may iba pang mga bansa kung saan ipinalabas at nakatakdang ipalabas ang kanilang pelikula gaya ng Norway  sa Sept. 12,

Samantala, ibinahagi ni Yap noong Setyembre 6 na pangatlo na ang pelikula niya bilang “highest-grossing Filipino movie of all time,” matapos itong kumita ng P650 milyon.

Aniya, “Sa ngayon, sa Philippine Box Office, ang #MAIDinMALACAÑANG po ay ang pangatlong (3rd) Pinakapatok na Pelikulang Pilipino; pangwalo (8th)naman kung kasama ang mga Foreign Films—at patuloy pa rin po tayong showing,umaasang baka may itataas pa.”

Sa panahon naman ng pandemya ang pelikulang ito ng VIVA Films at VinCentiments na umano ang “highest-grossing Filipino movie of all time.”

Noong 2019 ay ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” ng Star Cinema ang may hawak ng titulong “highest-grossing Filipino movie of all time” na tambalan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na kumita ng ₱880.6 milyon.

Basahin: Giselle Sanchez explains decision to accept role in ‘Maid in Malacañang’ amid criticisms

Matatandaan na si Giselle Sanches ang gumanap bilang Former President Cory Aquino sa palabas na ito. Ipinaliwanag niya sa isang social media post  kung bakit nya kinuha ang role bilang former President sa Maid in Malacañang.

Sinabi ni Giselle na noon pa man ay fan na siya ng direktor na si Darryl Yap at naniniwala siyang si Yap ang “most brilliant director of his time.”