KZ Tandingan, TJ Monterde sa namaalam nilang fur baby, ‘just want to imagine that you’re under the couch, , hiding with my socks’

Matinding lungkot ang nararamdaman ng mag-asawang KZ Tandingan at TJ Monterde dahil ang kanilang pinaka-iingat-ingatang fur baby na si Beau Bau Bear ay nagtungo na sa ‘rainbow bridge.’

Sa pitong taon nilang kasama ang kanilang alagang aso, ito ay naging bahagi na ng kanilang buhay kaya noong namaalam ang katawang-lupa nito ay matinding lungkot ang dinanas ng mag-asawa.

Sa Instagram post ng song-writer na si Tandingan ay nagbahagi ito ng mga larawan at videos ng kanilang beloved pet.

Aniya, “Beau, I’m trying to find the words to describe how I feel right now, but my love, it’s so hard. I just want to imagine that you’re under the couch, hiding with my socks.”  🙁


Samantala, Nag-post din ang kanyang asawa na si Monterde sa Instagram account nito, at ipinakita din niya dito ang mga litrato at video ng kanilang alagang aso habang ito’y hinahaplos ng kanilang anak.

“Why do we fall in love with dogs? when from the very start, we all know it’s a heartbreak waiting to happen.” naghihinagpis na pagbabahagi niya.

Dagdag pa nito, “well, siguro, dahil grabe yung love na nabibigay nila satin, yung loyalty, yung experience — na di na natin naiisip ang sakit na darating dahil kayang kaya itong tabunan ng pagmamahal na meron ngayon.”

Sa huling mensahe ni Monterde ay nagpasalamat ito sa pitong taong pagsasama nila ng kanilang fur baby.

Aniya, “Salamat sa 7 years, beau beau bear. run free. I love you my boy.”

Hindi naiwasan ng mga netizens na malungkot sa nararanasan ng kanilang idolo lalo na yaong nakaramdam na rin ng sakit na dulot ng pagkawala ng beloved fur baby.  Marami na ring followers at celebrity friends ang nagpaabot ng hugs.

Sa mga pet lovers diyan, gaya ng sinabi ni Monterde, “Why do we fall in love with dogs? when from the very start, we all know it’s a heartbreak waiting to happen.” Kasi ang pagmamahal talagang may kakambal na pain ‘yan. ‘Yung tuwa at pagmamahal, ‘yung loyalty ng ating mga alaga, nagiging source of happiness natin. Emotional support din sila kaya ganoon ang attachmnt natin sa ating fur babies.

Run free, Beau Beau Bear!