‘Iba itsura ko sa kanila’: Juliana inakalang ‘di siya tunay na anak nina Richard at Lucy

juliana

Bagama’t lumaking busog sa pagmamahal mula sa mga magulang na sina Lucy Torres at Richard Gomez, minsan daw ay inakala ni Juliana Gomez na hindi siya tunay na anak ng kanyang celebrity parents.

juliana

Sa interview video na ini-upload ni Jefferson Fernando sa YouTube, ibinahagi ni Juliana ang naging karanasan niya sa pagkakaroon ng mga sikat na magulang. Aniya, dumating sa punto na inisip niyang iba ang tunay niyang mga magulang dahil medyo iba raw ang hitsura niya sa dalawa.

“Have you seen my parents? They’re such beautiful people! When I was young, I kinda, I don’t know, I thought that I was adopted….Parang, iba talaga ‘yong hitsura ko sa kanila, e. Iniisip ko, san ba ‘ko nagmana?” wika niya. “And then slowly, I started seeing my dad’s features, and then people started telling me, ‘You look like your mom!’ So ako naman, kinikilig ako, because, ‘Wow, you thought I look like mom?’”

juliana

At naging confident na rin si Juliana sa kalaunan, sa suporta na rin ng kanyang mga magulang sa iba’t ibang aspeto ng buhay.

“They don’t put pressure on me. They allow me to fail, they allow me to figure out what I want to do in sports or extracurricular activities, or what school I want to go to. They really gave me the freedom to choose,” aniya.

juliana

Samantala, may payo si Juliana sa mga katulad niyang nai-insecure o hindi ganoon katindi ang kumpiyansa sa sarili.

“My advice to young girls who don’t feel like they’re pretty enough: hang in there. You will bloom. If not now, then maybe when you turn 18. If not when you turn18, when you turn 21. You will bloom!” she said.

Kasalukuyang nag-aaral sa University of the Philippines-Diliman si Juliana. Karamihan sa mga klase niya ay online pa rin daw kaya mas madalas pa rin siya sa kanilang probinsya.