Judy Ann, Ryan Agoncillo ibinida ang mga medalya ni Yohan sa swimming competition: ‘You did so well baby girl’

Nasungkit ni Yohan Agoncillo ang tatlong medalya sa isang swimming competition at super proud ang kanyang mga magulang na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Sa Instagram post nitong Sept. 11, ipinagmalaki nina Judy Ann at Ryan ang mga nakamit ni Yohan sa kompetisyon.

Nagbahagi ang aktres ng isang pares ng mga larawan: isa sa kanya habang kasama ang anak at isa din kay Yohan na nakangiti habang ipinapakita ang kanyang mga medalya.

“So proud of you my love!! 1st in fly, 3rd in back, 2nd in 100 free .. all while juggling school work, training and college application.. you did so well baby girl!!” saad ni Judy Ann.

“You are awesome Ate Yo,” komento naman ni Ryan sa post ni Judy Ann.

Samantala, nag-post din si Ryan ng mga larawan ng panganay na anak at ibinahagi ang kanyang mga nakuhang medalya.

 

Binati ng ilang celebrity at fans si Yohan para sa kanyang mga nakamit na medalya. Kabilang sa mga ito ay sina Ciara Sotto, Dominic Roque, Bianca Gonzalez, Beth Tamayo, at Ogie Alcasid.

Si Yohan ang panganay na anak nina Judy Ann at Ryan. Mayroon siyang dalawang nakababatang kapatid; sina Lucho at Luna.

Basahin: Judy Ann Santos ibinahagi ang cuddle moment kasama ang mga anak

Ibinahagi ng aktres na si Santos-Agoncillo ang kanilang cuddle moment ng mga anak nito.

Noong December 18, 2021 ay nagbahagi siya ng mga litrato kasama ang kanyang mga anak na masayang masaya habang kayakap nya ang mga ito.

Aniya, “When your kids grow up so fast and they still want to hug and sit on your lap.. literal na ulo na lang ang makikita sa picture,”

Kagaya ng ibang mga magulang, hiling niya na sana ay kaya niyang patigilin ang oras sa ganitong mga pagkakataon. “Oh, if only I could freeze time and enjoy cuddle moments like this every single day, every single time. It’s the best feeling evah!” ani Judy Ann.