Isko ine-enjoy ang pagiging lolo sa anak ni Joaquin: ‘He’s a blessing to the Domagoso Family’

isko

Hindi pa sanay pero masayang-masaya raw ang dating Manila Mayor na si Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa biyaya ng pagkakaroon ng isang apo.

Sa panayam niya kamakailan sa PEP, ikinuwento ng actor-politician na tumakbo para sa pagkapresidente na ine-enjoy niya ang pagiging lolo sa anak ng kanyang supling na si Joaquin Domagoso kay Raffa Castro; si Scott Angelo Domagoso, na isinilang sa FEU Medical Center sa Quezon City noong April 28, 2022.

isko

“Masayang-masaya kasi I spend more time with the kids,” kuwento ni Isko. “As you remember, I have five kids. I still have a ten-year-old son Drake, nag-birthday lang kahapon. And I have a new apo, si Scott, pogi!”

“I’ve been a father for more than two decades now, but being a lolo, nag-a-adjust pa. But I’m really happy. He’s another blessing to the Domagoso Family,” pagpapatuloy niya.

No pressure, pure joy

Samantala, kung tatanungin naman ang ama ni Raffa, ang actor-turned-news anchor na si Diego Castro, hindi raw ito naglalagay ng pressure kay Joaquin sa aspeto ng pagpapakasal at pagsasama sa iisang bubong. Sa ngayon, sapat na raw sa kanya ang pagiging responsable ng dalawa. Ayaw daw nitong i-pressure ang mga ito at hayaan na lamang kung magpaplano nang magpakasal.

[RELATED: Ama ni Raffa ‘di pine-pressure si Joaquin na pakasalan ang anak, ‘Sabi ko, ‘When you’re ready!”]

isko

“Ayoko silang i-pressure kasi ang importante yung family ng anak ko at family ni JD (tawag kay Joaquin) masaya. Kasi siyempre, may mga problems na kailangang ayusin mga bata pa sila. Ang importante nando’n ako for them, nando’n si Isko for them kahit hindi pa po kami nagkikita okay na yon,” aniya.

“They asked me kung anong opinion, sabi ko kay JD na it’s because you got my daughter pregnant you’re force to get married,” pagpapatuloy niya. “Sabi ko, ‘When you’re ready!’ Kasi alam ko ‘yan, nangyari sa akin ‘yan, e. So, I don’t want them to commit the same mistakes.”

isko