Balik-tanaw: Suki ka rin ba noong ng ice drop na buko-monggo?

buko-monggo

Nagmamadali ka rin ba lumabas ng bahay kapag naririnig mo ang nagtitinda ng ice drop? Isa ka ba sa mga bata na nakikipag-unahan para lamang makasiguro na makabibili ka ng ice drop na buko-monggo?

buko-monggo

Hindi pa rin makalimutan ng marami kung paanong parang superstar noon ang mga nagtitinda ng buko-monggo ice drop dahil sa sobrang dinudumog ito ng mga tao. May mga batang nagmemeryenda pagdating ng hapon. May mga matatandang gustong makaramdam ng ginhawa dahil mainit ang panahon. May iba na sadyang paborito lang ito.

Sa Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga alaalang kaugnay nito. Minsan, tumatakbo sa nanay para magpabili nito. Minsan, baon na ang baryang pambili sa paglalaro. Madalas ay nakikipagkuwentuhan habang kumakain nito. Sabi pa ng iba, tandang-tanda pa rin nila pati ang lasa nito.

buko-monggo

“Champion sa lasa! Hinahanap-hanap ko ang lasa ng ice drop na may beans na ito. Favorite ko noong nasa grade school pa lang ako,” kuwento ni G. G. Jontilano.

“Hindi talaga puwedeng hindi ako bibili kapag dumaan iyan,” ani J. Sante.

“Hinihintay ang pagtunog ng kampana ni manong sorbetero dahil alam na this,” sabi ni H. N. Amusid.

Samantala, may mga nakapansin din na iba na raw ang lasa ngayon ng inilalako ng mangilan-ngilang nagtitinda pa rin nito. Hindi na rin daw kasing saya ng dati ang pag-abang at pagbili mula sa sorbetero.

Sabi ni L. Belen, “I miss this. Meron ngayon, pero ibang-iba noon. Mas masarap, hahanap-hanapin mo ‘yong lasa, tapos sabay-sabay pa kayong bibili at kakain habang nasa daan na magkakaklase. Nakaka-miss talaga.”

Kagaya nila, isa ka ba sa mga nahilig noon sa buko-monggo na flavor ng ice drop? Maaari kang gumawa nito para sa sarili mo! Narito ang isa sa mga “how-to” video na maaaring gamiting gabay para makakain ka nito kailan mo man gusto.

buko-monggo