Guro sa Misamis Occidental, hinangaan dahil sa multi-strategy nitong pagtuturo

Viral ang isang guro sa Bonifacio, Misamis Occidental dahil sa kanyang paraan kung paano magturo at madaling maintindihan ng mga estudyante.

Sa Facebook video niya ay makikitang siya ay nagtuturo habang may iba’t-ibang uri ng pagkain sa lamesa, ito’y inihahalimbawa niya o ikinokonekta sa kanyang aralin. Makikita kung paano nya ipaliwanag ang word-by-word at itoy’ kinakanta niya sa paraan na alam niya.


Umaani ng papuri at paghanga ang mga netizens sa elementary teacher na si Jeric Bocter Maribao sa kaniyang multi-strategy sa pagtuturo sa mga estudyante sa pamamagitan ng pagkanta, pagsayaw ng mga itinturong paksa, bukod sa iba pa. Siya ay nakakaaliw at malikhain sa pagtuturo.

Unang nag-viral ang strategy video ni Jeric matapos i-upload ang kaniyang “Homogenenous and Heterogenous Mixture Song” sa saliw ng isang sikat na folkdance song noong Hunyo.


Makikita na sabay-sabay na nagtuturo, kumakanta at hindi lang yon, nag-eeksperimento ang guro gamit ang isang basong may tubig at bagay na ilalagay dito para mas madaling maintindihan at maalala ang paksa na ibinibigay niya sa kaniyang mga estudyante.

Nasa mahigit 4.5 million views na ang naturang video at mayroong ding mahigit 84,000 positive reactions at komento na umabot sa mahigit 4700.

Sa kaniyang Facebook channel na Jerics Channel at Classrom Strategies, patuloy na nagbabahagi si Teacher Jeric ng ilan pang estratehiya para sa kaniyang malikhaing pagtuturo. Maaaliw ka sa iba’t ibang video na mapapanood rito. Bakas na bakas sa mga mag-aaral ang saya nila sa klase.

Nang nagbalik-eskwela ang kaniyang mga estudyante noong Agosto, namigay din ng libreng school supplies si Teacher Jeric sa kaniyang mga estudyanteng chikiting.

Malaking tulong ang pag-suscribe natin sa kanyang YouTube channel para sa kanyang mga pagsusumikap.

Mabuhay ka, Teacher Jeric!

Basahin: Guro, gumawa ng ‘Classhome pantry’ para matugunan ang pangangailangan ng kanyang mga estudyante

Kamakilan, umani ng papuri at suporta mula sa netizens ang isang Filipino teacher matapos nitong mag-post ng TikTok video kung paano nagsimula ang classroom pantry. Naka-upload din ito sa kanyang Facebook account.

Ang pantry ng silid-aralan ng isang guro sa Aglipay, Quirino ay nagbibigay ng mga libreng gamit sa paaralan at pagkain sa mga estudyante.

Ginamit ni Sir Rafael Gutierrez ng Diodol Elementary School ang kanyang sariling pera upang simulan ang inisyatiba na tinatawag na “Classhome Pantry” upang tumugon sa mga pangangailangan ng kanyang mga mag-aaral na nagugutom sa paaralan dahil sa kakulangan ng kanilang pamilya sa gitna ng patuloy na pandemya dulot ng Covid-19.

‘Ika nga ng iba, ang ating pangalawang bahay ay ang paaralan at nandoon din ang nagsisilbing pangalawang magulang, ang titser.
Kaya sa lahat ng mga guro, mabuhay! Maraming salamat!