
Wagi na naman sa isang paligsahan ang Pinoy pole vaulter na si Ej Obiena – o Ernest John Uy Obiena.
Muling nakasungkit ng gintong medalya ang ating Pinoy pole vaulter sa pagsabak nito sa Liechtenstein leg ng 2022 Golden Fly Series nitong Sept 11, Linggo (Lunes nang umaga sa Pilipinas).
Naabot ni Obiena ang 5.71 meters kaya naunahan nito ang Amerikano na si Olen Tray Oates na nakapagtala ng 5.61 meters at Austrian Riccardo Klotz na nagtala ng 5.51 meters.
Ang kanyang pinakakilalang pagganap ay sa Memorial Van Damme Diamond League kung saan tinalo niya ang world No. 1 pole vaulter na si Mondo Duplantis at nakapag-uwi ng gintong medalya.
Wala pang isang linggo mula nang sumabak siya para makuha ang silver medal sa ISTAF Berlin sa Germany, ang Filipino pole vault sensation ay nasungkit naman ang 5.71 metre para makuha ang ginto at talunin ang limang katunggali.
Sa pangkalahatan, nakolekta niya ang limang titulo sa kanyang ikalawang European season kung saan nakipagkumpitensya siya sa walong paligsahan. Nagtapos din siya sa podium sa natitirang tatlong kaganapan.
Samantala, silipin natin ang video ng kanyang laban sa Vimeo Livestream.
Basahin: PH pride Ej Obiena dinaig si Duplantis, nasungkit ang ‘first-ever Diamond League win’ sa Brussels
Kamakailan, si Obiena ay nanalo ng gold medal sa Brussels Diamond League noong ika-2 ng Setyembre. Kung saan tinalo nya sa kanyang sariling kahusayan ang World’s No. 1 na si Armand Duplantis, at No. 2 Christopher Nilsen sa larong pole vaulting.
Yon din ang kanyang unang tagumpay laban kay Duplantis, na nangibabaw sa pole vault scene na may higit sa 6 na metrong marka.
Ito ay isang kahanga-hangang tagumpay para kay Obiena, na nanalo kay Duplantis para sa kanyang ikaapat na korona sa nakalipas na dalawang linggo.
“Made a core memory today,” saad ni Obiena sa kanyang Facebook post.
Ang mga pinoy ay nagalak sa kaniyang ginawa dahil itinaas niya ang bandera ng Pilipinas sa sports na pole vaulting.
You must be logged in to post a comment.