PH pride Ej Obiena dinaig si Duplantis, nasungkit ang ‘first-ever Diamond League win’ sa Brussels

Bagong karangalan na naman ang hatid ng ating atleta. Wagi na naman kasi sa isang paligsahan ang Pinoy pole vaulter na si Ej Obiena o Ernest John Uy Obiena sa totoong buhay.

Tinalo ni Obiena ang Olympic at world champion na si Armand Duplantis gamit ang kanyang sariling kahusayan upang manalo sa Brussels Diamond League noong ika-2 ng Setyembre.

Nasungkit niya ang gold medal nang malundag ang 5.71 metro sa kanyang ikatlo at huling pagtatangka. Nakuha niya ang korona sa world record holder mula sa Switzerland, na hindi napantayan ang kanyang taas sa tatlong pagtatangka.

Hindi makapaniwala ang dating World’s No. 1 na si Armand Duplantis na natalo siya ng World No. 3 na si pole vaulter Obiena sa Diamond League sa Brussels, Belgium nitong Sept. 2 ng madaling araw.

Ito ay isang kahanga-hangang tagumpay para kay Obiena, na nanalo kay Duplantis para sa kanyang ikaapat na korona sa nakalipas na dalawang linggo.

Ito rin ang kanyang unang tagumpay laban kay Duplantis, na nangibabaw sa pole vault scene na may higit sa 6 na metrong marka.

“Made a core memory today,” saad ni Obiena sa kanyang Facebook post.

Ang mga pinoy ay nagalak sa kaniyang ginawa dahil itinaas niya ang bandera ng Pilipinas sa sports na pole vaulting. Marami ang nagkomento sa isa pa niyang Facebook post at may isang pinoy pa na gumawa ng poster sa kaniyang pagkapanalo.

 

“Wow, world record holder beater!!! You did it again!!!! Congrats!!!”

“Wow oh wow, EJ! You are such an inspiration! We are so proud of you! CONGRATULATIONS!!!”

“Your country and kababayans are truly proud you! Mabuhay ”

“Thank you for representing us (flag) inspiring and making us proud.. basta lage ko pinagdadasal na maging happy, safe at successful ka..”

Iba talaga ang Pinoy! Hindi umuurong sa kahit anong laban!