Doggie na ‘late’ nang pumasok sa kanyang klase kinaaliwan

Kinaaliwan ng mga netizens ang viral video ng aso na pumasok sa isang silid-aralan na tila papasok na sa kaniyang klase. Magsisimula na ang klase nang pumasok si Doggie, a tila ‘late’ na itong nakapasok kaya binati siya ng mga mag-aaral ng “Good morning, Doggie!” Masaya naman itong pumasok habang kumakawag ang buntot.

Ayon sa caption story ng Pilipino Star Ngayon Digital, bigla lamang umano pumasok ang aso sa classroom ni Teacher Fam at game namang binati ito ng kaniyang mga estudyante.

“Greetings Time” (our daily routine before classes start when doggie suddenly came in and my students greeted him too #doggielangsakalam,” saad ni Teacher Fam.

Sa kuwento ni Teacher Fam, inamin niya na hindi siya ang may-ari ng aso ngunit sa dala nitong saya sa kanya nagbabalak siya na ampunin na ito.

“When I first saw him ang payat niya kaya pinapakain ko sya. I was amazed sa dog kasi sobrang bait nya at napaka behave,” paliwanag pa ni Teacher Fam.

Makikita na tuwang-tuwa rin ang mga bata at tila normal na lang sa kanila na ganon ang aso. Napalapit na ang kalooban nila sa asong ito at ang mga bata ay pinapaalalahanan ni Teacher Fam na mahalin ang mga hayop dahil tulad ng tao ay may buhay, isip at puso din ang mga ito.

Nagpasasalamat naman si Teacher Fam sa mga tumulong sa kanya; sa kanilang principal at mga co-teachers, dahil tumutulong silang magpakain at mag-alaga sa aso.

Dahil dito, napagdesisyonan na rin ni Teacher Fam na alagaan at i-adopt na ang aso.

Umani ang video ng maraming views, comments and reacts dahil natuwa sila sa reaksyon ni Doggie sa pag welcome sa kanya sa klase.

Samantala, silipin natin ang kuhang video sa asong si Doggie.