Chito Miranda kwelang ibinida si Moira: ‘Anak naman… Pasok ka na sa classroom n’yo please’

May kwelang tweet ang singer-songwriter na si Chito Miranda tungkol sa kanyang co-judge sa Idol Philippines Season 2 na si Moira Dela Torre.

Kamakailan ay nagbahagi ang mister ni Neri Naig ng isang funny photo kasama si Moira sa kanyang Twitter account.

Ibinahagi ni Chito ang isang cute na larawan nila ni Moira na kuha mula sa Idol PH. Sa caption, pabirong tinawag ni Chito si Moira na “anak” at sinabing late na siya sa trabaho.

“Anak naman… male-late na ako sa trabaho. Pasok ka na sa classroom nyo please,” saad niya.

Pumatok ang tweet ni Chito at maraming netizens ang nag-react dito. Narito ang ilan sa kanilang mga komento sa post:

Baka di mo pa po binibigay yung baon. Lapit na po recess.”

“Sweet Naman po ni dadi.”

“1st day nagsusumbong agad, may sinisino agad si sir Chito.”

Sa isa pang post sa kanyang IG account naman noong Sept 11, nag-upload ng snap si Chito Miranda kasama ulit si Moira. Sa pic, makikita siya at ang ‘Queen of Hugot Songs’ sa loob ng kanyang dressing room.

Nilagyan ni Chito ng caption ang kanyang post na may nakakatawa at cute na komento tungkol kay Moira.

Aniya, “May batang nangangapitbahay at nakikitambay sa dressing room ko.”

Dagdag pa niya, “Di nya alam na kinain ko na lahat ng chocolates at snacks ko. Ayun…nung nalaman niya, umalis na siya agad.”

Umani rin ito ng mga reaksyon at komento.

“Isang malupet na song collab naman dyan mga lodi.”

“Pa arbor naman nyang tshirt mo, salamat na agad.”

“OMG U R THE CUTEST QUEEN @moiradelatore.”

Sina Chito at Moira ay mga hurado ng Idol Philippines Season 2 kasama sina Regine Velasquez-Alcasid at Gary V. Ang bokalista ng ‘Parokya Ni Edgar’ ay nakakuha ng positibong feedback bilang isang judge at gustong-gusto ng mga manonood ang kanyang katatawanan at ang mga tip na ibinibigay niya sa mga naghahangad maging mahusay na mang-aawit at performer.