
Sa pagpasok ng Ber months, paniguradong kabi-kabilaang handaan at party na naman ang dadaluhan ng mga Pilipino. Kabilang dito ang sunod-sunod na Christmas at year-end party.
Kapag may handaan, hindi mawawala ang team balot o iyong mga nagte-take home ng mga pagkain. At kung pagbalot ng pagkain ang pag-uusapan, laging bida ang Calypso one-kilo plastic bag diyan na kilala rin bilang ‘plastic labo.’
Sa pinakabagong Facebook ad ng Calypso Plastic Center Company, tuluyan nang niyakap ng plastic brand ang titulo bilang pambansang pambalot. Ibinida pa nila sa nasabing social media post na pwedeng-pwedeng ipang-take out ng paboritong handa ng mga Pilipino na lumpiang shanghai.
“Target locked sa lumpiang shanghai! Anong paborito n’yong i-take out, mga Sharonians?” lahad ng witty post ng page na may pahabol pang hashtag na “Laging Handa sa Handaan.”
Makikita sa larawan sa post na hindi lang lumpiang shanghai ang maaaring i-Sharon gamit ang Calypso plastic labo. Maaari ding mag-uwi ng spaghetti at barbecue gamit ang plastic na ito na mabibili na rin sa iba’t ibang sizes, depende sa dami ng iuuwing pagkain.
Nagsimula ang term na ‘i-Sharon’ bilang pamalit sa term na ‘pagbalot’ o ‘pag-take out’ nang gamitin itong coll0quial term hango sa sikat na liriko ng kanta ni Megastar Sharon Cuneta na “Bituing Walang Ningning.”
“Balutin mo ako sa hiwaga ng iyong pagmamahal…” saad ng linya ng kanta ni Sharon. Nagkaroon ng emphasis sa salitang “balutin” kaya naman kalaunan, bilang katuwaan ay ginawa nang “i-Sharon” ang tawag sa pagbalot ng pagkain sa mga handaan.
Bilang patunay na ang Calypso plastic na nga ang pambansang pambalot, sa bukod na post, naglunsad na rin sila ng microwavable plastic containers na mas convenient ngayon para sa mga ‘Sharonians.’ Mas ligtas kasi sa pagkabutas ang microwavable containers kompara sa plastic labo ngunit mas mahal itong di hamak.
Naging mabenta naman sa netizens ang posts ng Calypso Facebook page. Maraming social media users ang relate na relate sa paggamit ng plastic bilang pambalot ng handa. Ang ilan nga, nai-tag pa ang mga kilala nilang certified ‘Sharonians.’
Ayon sa Calypso Plastic Center Company, kahit anuman ang iyong Sharon needs, kumpleto ang kanilang mga produkto.
You must be logged in to post a comment.