Birthday photoshoot ni Iñigo Pascual , mala-Star Wars ang dating

Ipinagdiwang ng aktor-singer na si Iñigo Pascual ang kanyang ika-25 kaarawan noong Huwebes, Setyembre 15.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Pascual ang mga larawan na tila mala-Star Wars ang dating dahil sa mga red saber na hawak nito sa kanyang birthday shoot kasama ang celebrity photographer na si Dookie Ducay.

“25 feels good,” caption niya sa kanyang IG post.

Samantala, Ikinuwento ng aktor ang surpresang selebrasyon ng kanyang kaarawan noong unang araw niya sa set ng series na ‘Monarch’ isang taon na ang nakalilipas.

Ayon sa kanyang Instagram post noong, Sept. 15, “Exactly a year ago today, was my first day on set for @monarchfox, my first day on set was also my birthday, and I was both stressed out and excited about it,” he said. “I didn’t want anyone knowing about my birthday or giving me extra attention just because of my birthday. I was too shy,”

Dagdag pa niya, na bago magsimula ‘yung isang eksena, dinalhan muna siya nang Monarch ng Cart with balloons at cake habang sila’y kumakanta ng Happy Birthday song.

“Before one of the scenes they brought out a cart with balloons and a cake and started singing Happy Birthday. I was so grateful but scared for my life that I would have to do a speech and not know what to say since it was my first day. Thankfully we had to rush back into filming because of time. So grateful for my Monarch Family,” aniya.

Agad naman umanong nagtungo si Pascual kay Susan Sarandon dahil ang hiling lang naman ng aktor sa kanyang birthday ay makapag-selfie silang dalawa.

“After that scene I went up to my Grandma Dottie @susansarandon and told her that all I wanted for my birthday was a selfie with her.” saad ng aktor.

Pagkatapos ay nagkaroon ng palitan sina Pascual at Sarandon sa pamamagitan ng comments section, kung saan sinabi ng kinikilalang aktres na inaabangan din niya ang pagkikita nila ng aktor noong panahong iyon. Ibinahagi din niya ang post ni Pascual sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories.

Nakatanggap din si Pascual ng mga pagbati mula sa co-star ng “Monarch” na si Anna Friel at ng manunulat ng serye na si Melissa Hilfers, na inilarawan ang kaarawan ng aktor noong nakaraang taon bilang isang “It was such a special day.”