Belle Mariano rumampa sa red carpet sa Seoul para tanggapin ang ‘Outstanding Asian Star’ award

Umarangkada ang napakagandang si Belle Mariano sa Seoul International Drama Awards 2022, kung saan natanggap niya ang Outstanding Asian Star award.

Nagsuot ang aktres ng pink modern Filipiniana gown na ipinares sa platform heels habang naglalakad siya sa red carpet para sa awards show, na makikita sa sunud-sunod na post sa Instagram page ng talent agency na Star Magic nitong Sept. 22.

Sinabayan ng Rise Artists Studio head na si Mico Del Rosario si Belle sa paglakad nito sa red carpet sa event.

Kasama rin ni Belle ang international production head ng ABS-CBN na si Ruel Bayani, Star Magic road manager na si Yanie Camante at ang celebrity hairstylist na si RJ Dela Cruz.

Live na ini-stream ang Seoul International Drama Awards sa YouTube channel ng award-giving body, nitong Setyembre 22.

Marami ang natuwa dahil sa pagsusuot niya ng Filipiniana gown. Sabi nga ng isang netizem “It’s nice to see her wore a modern Filipiniana dress! You made our country so proud, Belinda!”

Inanunsyo si Belle bilang Outstanding Asian Star sa Seoul International Drama Awards nitong nakaraang buwan. Nanalo siya para sa kanyang pagganap sa “He’s into Her,” ang romance series kung saan nakasama niya ang kanyang ka-loveteam na si Donny Pangilinan.

Ito ang unang pagkakataon na ang isang Pinay ay pinangalanang Outstanding Asian Star sa Seoul International Drama Awards.

Samantala, silipin natin ang video na kuha ng ABS-CBN Star Cinema kung saan si Belle ay nagbahagi ng ilang pananalita.

Kamakailan ay hinirang si Belle Mariano na Outstanding Asian Star sa Seoul International Drama Awards para sa kanyang pagganap sa seryeng “He’s into Her.”, siya ang kauna-unahang Pinay na kinilala sa nasabing award.

Basahin: Belle Mariano hinirang bilang ‘Outstanding Asian Star’ sa Seoul International Drama Awards

Ang “He’s into Her” ay isang teen romance series kung saan si Belle at ang aktor na si Donny Pangilinan ay bida bilang ang love team na DonBelle. Unang ipinalabas ang serye noong Mayo 2021 at tumakbo sa loob ng dalawang season hanggang noong nakaraang buwan.

Ang ibang nanalo kasama ni Belle ay sina Wallace Chung ng China, Yusei Yagi ng Japan, Alice Ko ng Taiwan at Krit Amnuaydechkorn ng Thailand. Pinili sila ng worldwide fans mula sa 175 na mga aktor sa mga entry mula sa limang bansa sa Asya via online voting na ginanap noong nakaraang buwan.

Sila ay humarap sa seremonya ng parangal na ipinalabas nang live sa pamamagitan ng KBS 2TV at opisyal na channel sa YouTube ng Seoul International Drama Awards.