Balikan: Baligtad ka rin ba magsuot ng tsinelas noong bata ka?

tsinelas

Natatandaan mo pa ba noong maging ang pagsuot ng tsinelas ay hindi mo pa nakasasanayan? Napagbabaligtad mo rin ba kung ano sa kanan at ano sa kaliwa?

baligtad tsinelas

Paminsan-minsan sa social media, may mga nakaaalala pa rin ng ganitong mga pagkakataon sa kanilang kabataan. Para sa kanila, ang baligtad na pagkakasuot ng mga tsinelas nila ay isa sa mga unang pagkakamaling nagawa nila noong sila ay mga musmos pa at kailangan ng gabay ng mga magulang at nakatatanda.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang nakaraan, kung kailan simple lamang maging ang mga nagagawa nilang kamalian, kahit pa literal daw itong nagdudulot ng pagkadapa.

Sa nasabing post, mayroong mga natuwa habang binabalikan ang nakaraan at mayroon din namang mga napahugot na lang nang makita.

baligtad tsinelas

“‘Yong isip kong bumabalik sa nakaraan!” kumento ng Facebook user na si C. H. Michelle. “Sarap balik-balikan.”

“Tamang-tama! Hahahaha nakakatuwa lang maging bata. At ang sarap lang balikan,” wika ni L. Dalit.

“Lahat nagkamali sa ganiyan hanggang natuto. We are not perfect, may time na nagkakamali tayong lahat, pero ang mahalaga ay natuto tayo,” saad ni J. D. Mirambel.

“True, iyan ang unang pagkakamali sa buhay noong bata pa. Ngayon, marami nang pagkakamali na hindi mo alam kung paano mo maitatama. Ang tsinelas, napakadaling itama pero ngayon, ang mga pagkakamali mo ay mahirap itama,” sabi naman ni G. Sombrero.

baligtad tsinelas

Ang sarap din talagang balikan ang nakaraan, ano? Mga panahong kahit ang pagkakamali ay hindi pa ganoon kalaking problema. Mga panahong matatawa ka na lang kapag naalala mo.

Ikaw, baligtad ka rin ba magsuot ng tsinelas noong bata ka pa? Paulit-ulit ba itong itinuro sa iyo o natutunan mo rin naman agad? Ibahagi ang iyong istorya sa comments section at sabay-sabay nating balikan ang mga alaala na nagpapaganda sa ating nakaraan!